Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Kung bakit Divine Diva pa rin si Zsa Zsa Padilla

Mar 11, 2018

NOEL FERRER: Isang napaka-open at candid na Zsa Zsa Padilla ang naging guest ko sa aking LEVEL UP: Showbiz Saturdate radio show kagabi sa DWIQ 990khz AM.

Bilang pagdiriwang ng kanyang 35th Anniversary sa show business, magkakaroon si Zsa Zsa ng concert entitled The Best Day Of My Life sa May 11 sa Resorts World Manila Newport Performing Arts.


Continue reading below ↓

Mukhang 3-in-1 concert na ito dahil aside from her 35th anniversary, Mother’s Day celebration din ito ni Zsa Zsa.

Makakasama sa concert bilang guests sina Karylle at Yael Yuzon at Zia Quizon at Robin Nievera.

Sabi ko nga, it’s a family affair, kaya dapat si Nicole (Coco) ang gumawa ng poster at graphics study sa concert mismo.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Bukod sa concert bumati kay Zsa Zsa ang mga espesyal na kasamahan niya sa industriya na sina Basil Valdez, Direks Joey Reyes at Joel Lamangan (na kapwa nagbigay ng multiple awards kay ZsaZshing) at Ruel Bayani na business unit head ni Zsa Zsa sa Wildflower na siyang nagpakilala sa kanya bilang “Red Dragon.”

Sa gitna ng kaligayahan ni Zsa Zsa ngayon sa kanyang career at personal na buhay, medyo kailangan niyang i-contain ang kanyang nararamdaman dahil kamamatay lang ng anak ni Tito Dolphy na si Dino, at we just got word na na-stroke si Rolly Quizon at kailangan niya ang ating mga dasal.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Divine Diva pa rin si Zsa Zsa.

Heavenly ang pa-cleavage niya noon sa finale presscon ng Wildflower.

Halos ma-upstage niya tuloy si Maja Salvador.

Keribels pa rin ni Zsa Zsa na magbida sa sariling concert.

Maningning pa ang kanyang bituin. Kumbaga sa bulaklak ay meron pang halimuyak.

Magpapakasal pa ba siya sa kanyang nobyo?

O panatiliin na lang niya dapat ang estado ng kanilang relasyon, upang sakaling masakal ay madaling kumalas?

GORGY RULA: Isa ako sa nagwi-wish talaga na makita si Zsa Zsa na naka-wedding gown.

Naudlot na nga yung kay Mang Dolphy noon, sana this time matutuloy na talaga.

Samantala, nakakatuwa naman na hindi pa rin talaga nagbabago ang pagtingin ng Quizon family kay Zsa Zsa. Bahagi na talaga siya ng pamilya na kung ano ang nangyayari sa pamilya lalo na sa mga anak ni Mang Dolphy, involved pa rin siya.

Pagdating naman sa concert niya sa May, sana may bago tayong mapapanood sa kanya. Ibang repertoire, ibang konsepto na hindi pa natin napapanood o matagal na nating hindi nakikita sa Divine Diva.

Continue reading below ↓

Bilang isi-celebrate naman niya ang kanyang 35th anniversary, sana may partisipasyon ang Padilla clan, lalo na ang mga pinsan niyang malapit sa kanya. Kahit hindi naman sila singer, mas okey kung makikita rin natin sila sa stage na may partisipasyon din sa celebration na ito ni Madam Zsa Zsing!

Read Next
Read More Stories About
Zsa Zsa Padilla, dolphy
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results