Wilma Doesnt, masaya sa piling ng tatlong anak mula sa tatlong lalaki

Mar 12, 2018

JERRY OLEA: “Ang universe ko is not perfect; it’s imperfect. But that makes it perfect.”

Kaswal na pahayag iyan ni Wilma Doesnt sa presscon ng pelikulang My Perfect You noong Sabado, Marso 10, sa 9501 Restaurant, ELJCC Bldg., ABS-CBN Compound, QC.


Walang bahid ng bitterness ang paliwanag ni Wilma, “Hindi perfect ang universe ko because I have struggles. Because I’m a mother of three, with three fathers.

Continue reading below ↓

“I have three kids with three fathers, so, that’s imperfect.

“Hindi siya yung normal na family, but we are happy. Kuntento kami. And masaya kami.

“We eat together. We go to the beach kaya lagi akong nasa initan. And then we eat.

“And ang pinaka nagpa-perfect ng universe ko is this movie.

“May movie ako! So, it’s perfect!”

Edad 15, 10, at 4 ang mga anak ni Wilma. Proud na proud siya sa kanyang panganay na dalagita, na keribels nang magmodel.

“More on athlete siya. Swimmer. Yun ang gusto niya talaga, kaya maganda ang katawan niya,” sabay pakita ni Wilma ng litrato ng anak sa kanyang Instagram account.

Kinumpirma ni Wilma na ito ang nasa sinapupunan niya nang rumampa siya noon nang topless sa isang fashion show ng Bench.

Wala nang komunikasyon si Wilma sa ama ng panganay at pangalawa niyang anak.

Hindi niya hinaharang ang pakikipag-usap ng mga nasabing anak sa kani-kanyang ama.

Continue reading below ↓

“Since may technology naman ngayon, ahh kasi... hindi naman ako nag-i-insist ng emotions para sa kanila,” matamang lahad ni Wilma.

“Kung nagtsa-chat sila with their families, their fathers, labas na ako doon. Once in a while, nakikita ko naman.

“Walang harang-harang. Kanila ‘yon, eh. Ako rin naman, meron.”

Eleven years na sila ng ama ng kanyang bunso.

Pinoy ang tatlong nakabuntis kay Wilma. Masasarap ang mga lalaking ito.

“May comparison!” masayang bulalas pa ng model turned actress.

“Isa lang ang masasabi ko... black is beautiful. Proven and tested!”

GORGY RULA: Sana nilinaw na rin ni Wilma kung artista o non-showbiz ba ang ama ng panganay niyang anak.

Naintriga pa kasi noon na si Onemig Bondoc daw ang ama sa panganay niyang anak.

Itinanggi naman ito noon ni Onemig.

NOEL FERRER: Parang Bata, Bata Paano Ka Ginawa? lang ang kuwento ni Wilma.

Mabuti na lang at inayos niya ang buhay niya lalo na sa pagtataguyod ng kanyang mga anak at pamilya!

Continue reading below ↓

Sana hanggang sa pagpapalaki ng mga bata, maging magkaroon ng problema.

Darating at darating kasi ang araw na hahanapin ng bata na mabuo ang pagkatao niya sa pamamagitan ng pagkilala ng kanyang pamilya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results