Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Gov. Imee Marcos, walang balak panoorin ang Citizen Jake na tumutuligsa sa kanilang pamilya

Mar 14, 2018

GORGY RULA: Walang balak si Ilocos Norte Governor Imee Marcos na panoorin ang pelikulang Citizen Jake na likha ni Direk Mike de Leon.

Wala raw siyang ideya tungkol sa pelikulang ito.

Kung inaatake nga ng pelikula ang kanyang pamilya at ang rehimeng Marcos, nirerespeto raw niya ito.

Pahayag ni Governor Imee, “I know very little about the movie.

“Pasensiya na, the first time I hear about the film, kasi medyo out of touch na ako sa showbiz.

"Pero ganunpaman, I suppose everyone has a right to put up their own version of the story.

“Kilala naman natin si Direktor Mike de Leon na magaling siya, na-experience ko sa Batch '81 at yung iba pang trabaho niya na napakagaling.

“Subalit, sa kabila nito, may karapatan din kami na magsaad at i-propose yung aming version of the story din.”


Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Hindi na raw siya naninibago sa patuloy na pag-atake sa kanilang pamilya.

Hindi pa raw niya naiisip na kontrahin ang pagpapalabas ng naturang pelikula.

“So, okay lang, kasi ganyan ang demokrasya, kanya-kanyang bersyon.

“Ang importante, ang mga millennials ngayon, the age of information of access to all the information, at nasa kanila ang pagtitimbang kung alin nga ba yung totoo; yung nasa libro, yung nasa sine, nasa turo ng teacher o yung kuwento ng lola nila na mas maginhawa at magaan yung buhay noon,” nakangiting pahayag ni Imee Marcos nang nakausap namin nang dumalaw siya sa istasyon ng DZRH kagabi, March 13.

JERRY OLEA: Sabi-sabi, habang inaatake ang Marcoses aylalo silang nagiging popular.

Kaya siguro dedma na lang ang Marcoses sa pelikula at baka magamit pa silang lalo sa promo nito.

Dapat din sigurong aprubahan na lang ito ng MTRCB at huwag nang gawan ng isyu.

After all, si Direktor Mike de Leon ay henyo sa paglikha ng pelikula.

Continue reading below ↓

Dapat lang na igalang ng gobyerno ang kanyang obra maestra.

NOEL FERRER: Ngunit ang nakasaad sa matapang na pelikulang Citizen Jake ay tunay na naganap at nasa dokumento ng kasaysayan.

Ang nakakalungkot lang ngayon ay pilit na nirerebisa ang history para paboran ang mismong nang-abuso sa atin noon.

Sana nga ay mapanood pa ng mas maraming tao ang Citizen Jake, na tunay nga namang nakakapagmulat at nakakagalit dahil tila bumabalik tayo sa ganung sitwasyon noon na tinatanggap na lang natin ang mga nangyayari ngayon.

Magandang ipagpatuloy ang pagpapalabas nito lalo pa’t malapit na naman ang eleksyon at malulutong ang patama nito sa mga pulitikong pulpol.

May March 23 uling special screening sa UP Film Center.

Read Next
Read More Stories About
Citizen Jake, Imee Marcos
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results