Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Young actress, hindi maka-emote kung walang contact lens?

Mar 14, 2018

NOEL FERRER: Sa pictorial ng isang magazine, may grupo ng magagandang aktres ang kasali sa feature kaya kanya-kanya silang pag-aabala para maging maganda sila.

Okey lang at expected naman silang maging ganun.

Pero nagtataka lang ang taga-magazine na halos lahat nitong mga batang artista ngayon, hooked up sa paggamit ng mga colored contact lens.

Dahil ba sa uso? O baka mas nakakadagdag kapag may kulay ang mata?

Pero lubos itong nakakabahala dahil sa isang Sunday musical-variety show, parang naging tanggap na kalakaran na halos lahat ng mga nandun ay naka-contact lens na.

Ultimo mga bata, ganun na ang konsepto ng kagandahan—ang may kulay na mata.

Old fashioned o tradisyunal lang ba tayo na wala na bang nag-e-embrace ng authentic natural color na mata at nagpadala ang karamihan sa konseptong maka-dayuhan?

Worst, merong isang batang artista na pinigilan na ng nabahalang magazine stylist na sana wala nang colored contact lens para natural beauty ang lumabas sa bawa’t isa.

Continue reading below ↓

Ang ginawa ng batang aktres, tumawag sa handler niya at sinabing hindi raw siya maka-emote kapag walang colored contact lens!

Talaga lang, ha?

JERRY OLEA: Ibang kapaligiran ang kinalakhan ng kabataan ngayon.

Noon ay hindi pa uso ang cell phone at internet. Wala pa noong iPad at social media.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Dati rin ay wala pang cable TV.

Kaya iba ang values ng millennials at ng susunod pang henerasyon.

Pero meron din namang mga hitad na sadyang may saltik at natural ang kaartehan.

E, di ba, karamihan sa mga artistang sikat, may quirks at taglay na kamalditahan?

Kaya hayaan na natin itong young actress na hindi maka-emote kung walang contact lens.

Bonggabellang tunay ang mga hugot at pagdalirot ng kanyang mga katuwiran.

Tumatagos sa daliri!

GORGY RULA: Nakakaloka na pati contact lens ngayon, isyu na sa mga kabataang artista natin.

Kailangan pa talagang iparating sa mga handler ang pagsusuot ng contact lens? Mas alam ng stylist yun, di ba?

Continue reading below ↓

Malaking bagay ang expressive na mata para makaarte nang mabuti ang isang artista.

Parang nakaka-distract tingnan na umaarte ang isang artista na iba-iba ang kulay ng contact lens na suot.

Pero kung 'yan ang nauuso ngayon sa mga millennials, wala na tayong magagawa.

Huwag na tayong magtaka na baka mauso na rin sa mga kabataang artista natin ang cosmetic surgery.

Read Next
Read More Stories About
pep blind item, PEP Alerts
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results