CABINET FILES: All Star Videoke, tsutsugiin na; Solenn Heussaff papasok sa TOTGA

By JOJO GABINETE

Malapit nang mawala ang All Star Videoke ng GMA-7 dahil papalitan ito ng second season ng Lip Sync Battle Philippines, ang reality competition show nina Michael V. at Iya Villania.

Kahit tatapusin na ang All Star Videoke, hindi mababakante ang co-host nitong si Solenn Heussaff dahil idinagdag siya sa cast ng The One That Got Away.


Ngayon, March 14, ang unang araw ng taping ni Solenn para sa The One That Got Away.

Siya ang gaganap na ex-girlfriend na nagbabalik sa buhay ng karakter ni Dennis Trillo.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN