Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

CABINET FILES: Lolit Solis at Gretchen Barretto, magsasama sa isang talk show?

Mar 14, 2018

By JOJO GABINETE

Talak Y Talk ang working title ng coming-soon online showbiz talk show na pagsasamahan ng former Startalk hosts na sina Lolit Solis at Ricky Lo.

Ibinalita ni Lolit sa kanyang Instagram account na posibleng makasama nila ni Ricky sa Talak Y Talk si Gretchen Barretto dahil ito ang napipisil bilang host ng high-society segment ng programa.

Sinabi ng isang insider na hindi pa tiyak ang participation ni Gretchen dahil kakausapin pa lamang ito ng producer ng Talak Y Talk.

May ibabalita ako sa iyo Salve, type mo ba na magsama kami ni Ricky Lo at Gretchen Barretto sa isang online tsismis show? Kasi parang ok na ako na walang responsibilidad, at diversion ko na itong Instagram, at mag gatecrash sa mga presscon, mamasyal sa S&R kasama si MJ, ngayon may trabaho na naman? At the age of almost 71 para bang cute na sa akin iyon mas maraming tulog kaysa gising pag bored ako Insta, basa konti , nood tv hah hah. tamad-tamaran school of acting, pero dahil masarap naman kasama si Ricky sa trabaho, mabait si June at Lawrence at baka maharbatan ko si Gretchen , sige na nga try ko pero pag na pressure ako , ayoko na hah hah. so wait nyo kami nila Ricky at Gretchen sa aming online show ha watch nyo, sundan nyo, tingnan nyo kung kaya nila ako kontrolin hah hah wala blind items heh heh. #instatalk #lolitkulit #70naako @therealrickylo @gretchenbarretto

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Trivia: Sina Lolit Solis at Gretchen Barreto ang mga pangunahing karakter ng 1994 Manila Film Festival fiasco.

Si Gretchen ang whistle-blower dahil siya ang nagbulgar na si Lolit ang utak sa likod ng envelope switching at misreading ng pangalan ng winners sa filmfest scam na nangyari noong June 22, 1994 sa ballroom ng Manila Midtown Ramada Hotel, Ermita, Manila.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results