Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

CABINET FILES: Baron Geisler, ililipat sa city jail kapag di nakapagpiyansa ng P12,000

Mar 15, 2018

By JOJO GABINETE

Twelve thousand pesos ang piyansang kailangan para sa pansamantalang kalayaan ni Baron Geisler.

Pero at press time, nakakulong pa rin ang aktor sa Police Station 3 ng Pulong Maragul Village sa Angeles City, Pampanga.

Kapag hindi nakapaglagak ng piyansa si Baron o ang kanyang mga kamag-anak, ililipat siya ngayon sa Angeles District Jail.

"Mako-commit po siya ngayon sa city jail kapag hindi siya nakapag-bail out," ang pahayag ng isang pulis ng Station 3 na nakausap ng Cabinet Files.


Continue reading below ↓

Ang brother-in-law ni Baron na si Michael Robinstone Morales ang nagpakulong sa aktor dahil sa panggugulo na ginawa nito sa harap ng bahay ni Morales sa Angeles City, noong Lunes, March 5.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Hawak ang isang kitchen knife, nagbanta si Baron na papatayin niya si Morales dahil sa pananakit sa kanya noong Sabado ng madaling-araw, March 3.

Sa pakikipag-usap namin kay Morales, nagsalita ito ng “Our main goal is to get him to rehab.I really don’t like the idea him in jail cause still, he is family to us and I’m saddened for our decision.”

Dahil controversial celebrity si Baron, marami ang dumadalaw sa kanya sa Police Station 3 ng Angeles City.

Pero walang makapagsabi kung makakapagpiyansa siya dahil mismong ang mga kamag-anak ang nagpakulong sa aktor, na mas ligtas ang kalagayan kapag nanatili muna sa loob ng bilangguan, maliban na lang kung awayin din niya ang mga kakosa.

Trivia: Si Robin Padilla ang bida sa 1990 movie na Barumbado, pero sumikat siya nang husto sa Bad Boy na ipinalabas din sa mga sinehan noong 1990.

Continue reading below ↓

Sa tunay na buhay, “lethal combination” si Baron ng Barumbado at Bad Boy dahil sa mga gulo na pinapasok niya.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results