Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

PEP TROIKA: My Perfect You nina Gerald at Pia, totoo bang P10M ang kinita sa opening day?

Mar 15, 2018

JERRY OLEA: P10M ang opening day gross ng pelikulang My Perfect You nitong Miyerkules, Marso 14, ayon sa tweet ng ABS-CBN Corp.

Pinanood namin ang 7:45 PM screening nito sa Cinema 7 ng Trinoma kahapon, at more or less ay half-full ang sinehan.


Hindi rom-com ang movie nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach, kundi isang psychological drama.

Continue reading below ↓

Epektibo ang ilang pakilig ng dalawa, pero napangiwi kami sa ilang hugot lines.

Bidang-bida rito si Gerald, at pasado sa amin ang akting ni Pia.

GORGY RULA: Kung 10M ang press release ng Star Cinema na kinita ng naturang pelikula, ayon naman sa aming very reliable source, P6.8M daw ang eksaktong figures ng kinita nito.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Understandable kung ginawa nang 10M, dati nang ginagawa 'yan.

Sana pumik-up pa ito sa weekend.

Sabi pa nga ni Pia, sana maglabasan na ang magdyo-dyowa para makikilig sa pelikula nila ni Gerald.

NOEL FERRER: Congratulations sa pelikula kung ganito man ang inabot nila sa takilya.

Ngayong patapos na ang Sinag Maynila, sana kapag may ibang klaseng pelikula na hindi lang nagpapakilig kundi nakakapagpamulat at bukas ng kamalayan natin bilang mga Pilipino, tulad na rin lang ng Citizen Jake, sana suportahan din natin!

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results