By JOJO GABINETE
Walang closure ang insidenteng panunulak ni Robin Padilla sa isang lalaking foreigner na naging rude sa mga Pilipina na humiling ng photo op sa aktor nang magpunta ito sa Hong Kong noong nakaraang buwan.
Kadalasan, umaasa na lang ang ilan sa mga naglalabas ng report sa social media posts ng mga personalidad at sa videos na napapanood nila.
Hindi na sila nag-aaksaya ng panahon na alamin ang buong pangyayari.
Kung nag-abalang mag-research ang mga naglabas ng balita, malalaman nilang maganda ang pagtatapos ng pagtulak ni Robin sa Turkish guy dahil humingi ito ng paumanhin at pinagbigyan ng aktor ang request na photo op na hindi na napanood sa video.
Sinabi ng Turkish guy na hindi nito kilala si Robin, pero nagulat siya nang makitang pinagkakaguluhan ang aktor ng mga Pilipina kaya nakipag-unahan siya sa pagpapakuha ng litrato.