Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

CABINET FILES: Kambal Karibal, extended dahil sa mataas na ratings?

Mar 15, 2018

By JOJO GABINETE

Nag-celebrate kahapon, March 14, ang cast at crew ng Kambal Karibal ng GMA-7 dahil sa mataas na rating ng episode ng kanilang programa noong Martes, March 13.

Base sa datos ng Nielsen Phils. sa Urban Philippines People in TV Homes, nakakuha ang Kambal Karibal ng 10.6% kumpara sa 10.3% ng Bagani ng ABS-CBN.


Continue reading below ↓

Kagabi, ipinalabas ang TV plug para sa nalalapit na pagtatapos ng Kambal Karibal.

Ikinalungkot ito ng loyal viewers ng show dahil kung kailan lalong gumaganda ang mga eksena, biglang tatapusin ang programa.

Pero itinanggi ng ilang involved sa show ang balita dahil, sa pagkakaalam nila, mabibigyan ng extension ang Kambal Karibal na resulta ng high ratings at positive reviews ng televiewers.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ikinalungkot lang namin ang maling continuity ng isang eksena sa Wednesday night episode ng Kambal Karibal.

Walang suot na doctor’s white coat ang karakter ni Marvin Agustin sa eksena nang naabutan niyang nakikipag-usap si Jean Garcia sa receptionist ng ospital.

Ang next scene, pumasok sina Marvin at Jean sa hospital room para sa confrontation scene nila nina Alfred Vargas at Carmina Villarroel, pero may suot nang white coat si Marvin.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results