Kambal, Karibal extended ang airing hanggang June 2018

Nagdesisyon ang GMA-7 management na i-extend ang airing ng Kambal, Karibal, ang top-rating prime time television series ng Kapuso network hanggang sa June 2018. Ang mataas na rating at ang request ng televiewers na huwag munang tapusin ang show ang dalawa sa mga dahilan kaya extended ang Kambal, Karibal. Ikinatuwa naman ng cast at production staff ng show ang good news. Nagpapasalamat si Quezon City District V House Representative Alfred Vargas sa suporta at mainit na pagtanggap ng televiewers sa programa nila na magwawakas na sana noong February 2018 pero nabigyan ng maraming beses na extension. Napatunayan ni Alfred ang popularidad ng Kambal, Karibal dahil “Bebe ko” na ang tawag sa kanya ng mga taong nakakasalamuha niya araw-araw. “Bebe ko” ang term of endearment kay Alfred ng karakter na ginagampanan ni Jean Garcia sa Kambal, Karibal. Apektado ng extension ng programa ang schedule at ibang mga commitment ng mga artista ng Kambal, Karibal pero hindi sila nagrereklamo dahil mas mahalaga sa kanila na marami ang napasasaya ng primetime television show nila.


 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN