Nag-tie ang "Willing Willie" ng TV5 at "24 Oras" ng GMA-7 sa timeslot nito kagabi, Nov. 8. Ito ay ayon sa Mega Manila individual ratings ng AGB Nielsen. Parehong nakakuha ng 11.6% ang dalawang programa, samantalang ang "TV Patrol" naman ng ABS-CBN ay nakakuha ng 10.7%. Kagabi lumabas sa "Willing Willie" si Shalani Soledad bilang co-host ni Willie Revillame. Kagabi rin ang pagbabalik nina Noli de Castro at Korina Sanchez sa "TV Patrol."
PEP Live
