Ngayong gabi sa Amaya, masasaksihan ng mga manonood ang gagawing paghahanap ni Rajah Mangubat (Gardo Versoza) sa mga buntis na babae at sanggol sa lahat ng banwa sa kanyang nasasakupan. Patuloy na paparusahan ni Lamitan (Gina Alajar) si Dal'lang (Lani Mercado). Dumating na ang araw ng panganganak nina Lamitan at Dal'lang at parehong babae ang kanilang ipapanganak na sanggol. Pero laking gulat ni Dal'lang dahil may kakambal na ahas ang sanggol na kanyang ipinanganak. Click here to read PEP's review of Amaya: http://bit.ly/mSCBxz
PEP Live