Ngayong gabi sa "Amaya," sasabihin na ni Datu Bugna (Raymond Bagatsing) kay Dal'lang (Lani Mercado) na para sa kaligtasan ni Amaya ay mas mabuting lumayo na lamang ito sa kanila.
Samantala, pahahanapin na ni Rajah Mangubat (Gardo Versoza) si Bagani (Sid Lucero) ng mapapangasawa.
Mahuhulaan ni Bayang (Ana Feleo) na ang makakatuluyan ni bagani ay isang Binukot na may kakambal na ahas na siya ring magpapabagsak sa kanyang ama na si Mangubat.
Si Amaya naman, dahil sa pagkainip, gugustuhin nitong sumama kay Ahak (Sheena Halili) para makalabas.
PEP Live