Pandemonium sa kakatawa ang mga staff at audience sa taping ng Gandang Gabi Vice sa ABS kanina. Ang matalik na kaibigan ni Vice na si John Lapus ang guest. Hindi kinaya ng mga tao ang masayang okrayan at bukingan ng dalawa. Nang tanungin ng pep si Sweet kung lilipat na din ba sya sa ABS tulad ni Paulo Avelino, isang malaking NO ang sagot nya. Guesting lang daw ang naganap para sa kaibigang si Vice na nag guest naman sa Anniversary show nya last May sa Music Museum.
PEP Live