Ang latest sa Ruby Rose Barrameda-Jimenez case: Sa mensaheng ipinarating ng aktres na si Rochelle Barrameda sa PEP.ph, sinabi niyang masaya siya sa naging hearing kahapon, October 25, ng kaso nila laban sa mga akusadong nang-kidnap at pumatay sa kanyang kapatid na si Ruby Rose. Ani Rochelle, kahit na maraming motion at manifestation ang mga abugado ng mga akusado, pinayagan ng judge na i-cross examination ang prime witness nila na si Manuel Montero. In-identifiy ni Montero ang isa sa mga sinasabing pumatay kay Ruby Rose na si Lennard "Spyke" Descalzo. Sa December 12 ang next hearing kunsaan ipe-present at pag-aaralan ang mga ebidensiya sa kaso.
PEP Live
