Baron Geisler, naglasing ulit? He was supposed to be the lead in an episode for MMK (Maalaala Mo Kaya) in Toronto, Canada. Kaya lang, ayon sa natanggap na feed ng PEP, naglasing daw ito dito pa lamang sa airport. Pati sa Hong Kong din daw. Kung kaya, ayaw itong isakay ng captain and crew. Pagdating nito sa Toronto, uminom pa rin daw, kaya pinauwi na lang sa Pilipinas. Si Tom Rodriguez na ang naging lead. Pinadalhan na ng text message ng PEP si Arnold Vegafria, ang manager ni Baron, para makuha ang panig ng kanyang talent. Bukas ang website na ito sa anumang panig ng aktor.
PEP Live