Sinasabing 1,500 ang seating capacity ng Skydome ng SM City, kung saan ginanap ang launch ng pangalawang nobela ng batikang writer na si Ricky Lee. Ngunit nang 1,800 na raw ang bilang ng mga nakapasok, hininto na ng mga guwardiya ang linya. Tuloy, marami pa ang nasa labas na hindi nakapanood. Sinabi naman ni Karina Bolasco—ang namumuno ng Anvil, ang publishing arm ng National Bookstore—"Kung ganito sana lahat ng book launching, masasabing mataas ang literacy rate ng mga Pilipino."
PEP Live