Madalas ngayong makita si Mayor Jun-jun Binay kasama ang isang simple, maganda, at diumano‘y mabait na babaeng nagngangalang Patricia Sandejas. Nagkakilala ang dalawa nang binuksan ang Bistro Mondo, ang restawrang pagmamay-ari ng mga Sandejas, at naimbitahang mag-ribbon cutting ang mayor. Ang pamilya Sandejas din ang may-ari ng Blue Leaf sa McKinley. Sa ribbon-cutting ay nagkapalitan ng telepono ang dalawa at pagkatapos ay dumalas na ang kanilang pag-uusap at pagkikita. Si Patricia ay dating girlfriend ni Rico Yan, bago naging girlfriend ni Rico si Claudine Barretto. Si Jun-jun naman ay dating na-link kay Kris Aquino.
PEP Live
