May report na binugbog diumano ang young actor na si Albie Casino kaninang madaling-araw sa Fiamma Bar. Ayon sa TV host na si Ogie Diaz, nasa naturang bar din daw ang ex-girlfriend ni Albie na si Andi Eigenmann at sinabuyan daw nito ng alak at sinampal sa mukha ang young actor. Ayon pa kay Ogie, ang dalawang kasamang lalake ni Andi ang bumugbog diumano kay Albie.