Kasalukuyang ginaganap ang last shooting day ng I Do Bidoo Bidoo sa isang simbahan sa may Quezon City. Present ang cast na sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Eugene Domingo, Zsa Zsa Padilla, Kiray Celis, Neil Coleta, at Sam Concepcion. Dito sinabi ni Gary na engaged na ang kanyang anak na si Paolo Valenciano sa girlfriend nito of six years. Aalis naman daw si Zsa Zsa papuntang States sa August 11.