Regine Velasquez at Martin Nievera, hindi nawawala sa Teacherfest ng Gabay Guro

IMAGE Instagram

Sina Gabby Concepcion, Alden Richards, Martin Nievera, Regine Velasquez, Jaya, Ate Gay, Kristoffer Martin, Dave Bornea, at Randy Santiago ang mga celebrity performer sa 12th Teacherfest ng PLDT Gabay Guro na ginanap noong March 2, 2019, sa Sta. Rosa Complex, Sta. Rosa City, Laguna.

Ang Teacherfest na dinaluhan ng libu-libong mga guro mula sa iba’t ibang bayan ng Laguna ang instrumento para muling magkita sina Alden at Regine, na na-miss ang isa’t isa mula nang lumipat ang singer-actress sa ABS-CBN noong October 2018.

[instagram:https://www.instagram.com/p/BugHl_hlfpf/]

Hindi nawawala sina Regine at Martin Nievera sa line up ng performers sa Teacherfest ng Gabay Guro dahil sa malaking pagpapahalaga nila sa kontribusyon ng mga guro para magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga kabataan.

Hindi lamang ang mga invited celebrity guest ang naghatid ng ligaya sa mga guro ng Laguna dahil masaya rin sila sa raffle prizes na kanilang napanalunan, mga tricycle, pocket wifis, cash, at smartphones.

Si Chaye Cabal-Revilla ang chairman ng Gabay Guro at kahit kaarawan ng kanyang asawang si Strike Revilla, younger brother of Bong Revilla Jr., noong Sabado, pinili niyang dumalo sa Teacherfest.

"It is always our privilege to pay tribute to the teachers through Gabay Guro because we recognize their great contribution to the society. Kung wala po kayong mga guro, wala rin po kaming lahat ngayon," pahayag ni Revilla.

Dahil sa magagandang adhikain ng Gabay Guro para sa mga teacher, tumanggap ito ng mga parangal mula sa Aliw Awards, Anvil Awards, Philippine Quill Awards at Philippine Association of National Advertisers.

Sidelight: Dumalo sa Teacherfest ng Gabay Guro si Dave Almarinez, ang controversial undersecretary na rumored boyfriend ni Ara Mina.

Namukhaan agad ng Cabinet Files si Almarinez dahil lumabas ang mga litrato at video niya noong mainit na pinag-uusapan ang pagkakaroon nila ni Ara ng lihim na relasyon.

Ito ang naging dahilan para hiwalayan si Almarinez ng kanyang fiancée, ang Cinema Evaluation Board member na si Rina Navarro, kaya hindi natuloy ang kanilang planong pagpapakasal.

Nang umakyat sa stage at mag-perform si Jaya, nagtanong siya kung sino sa audience ang single kaya nagturuan si Almarinez at ang katabi nitong congresswoman.

Tinukso ni Jaya ang dalawa sa isa’t isa at dahil clueless siya, hindi niya alam na controversial figure si Almarinez.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN