Jackie Forster, mapapalapit na kina Andre at Kobe

by Jojo Gabinete
Mar 5, 2019
Mula sa London, England ay lumipat na ang pamilya ni Jackoe Fortser sa Guangzhou, China.
PHOTO/S: Jackie Forster Instagram

Nagpapasalamat si Jackie Forster sa Diyos dahil dininig Nito ang kanyang panalanging madestino sa Asia ang asawa niya para mapalapit siya sa mga anak na sina Andre at Kobe.

Matapos ng isa at kalahating taong paninirahan sa London dahil sa trabaho ng kanyang asawa, lumipat na si Jackie at ang pamilya niya sa Guangzhou, China, noong February 17, 2019.

Dalawa at kalahating oras ang flying time mula sa Maynila papunta sa Guangzhou na di-hamak na mas malapit kung ikukumpara sa almost 13 hours na London-Manila trip.

Gustung-gusto nang bumisita ni Jackie sa Pilipinas, pero hindi pa niya magawa dahil sa dami ng kanyang mga inaasikaso—ang pag-aayos sa kanilang magiging bagong tahanan at pag-aasikaso sa school na papasukan ng tatlong anak.

Nasanay na ang mga anak ni Jackie na palipat-lipat sa iba’t ibang bansa—sa Singapore, Malaysia, Mexico, London, at ngayon, sa China.

"I can’t leave any time soon because we are fixing our residence card. I think I can only travel to the US because of my passport.

Continue reading below ↓

"But also I need to accept our air freight and move into our permanent house in a few weeks.

"Jared just started school today so I’ve been busy with him.

"Kaya di ako makaisip pa ng date, I’m not even sure if we can leave the country by Easter kasi 4-6 weeks yung paperwork.

"One step at a time muna kami before making plans. Nakakalula sa dami!" sagot ni Jackie nang kumustahin ng Cabinet Files ang muling pagbisita niya sa Pilipinas at ang kalagayan ng kanyang pamilya sa bagong environment nila.

Continue reading below ↓

Dahil malapit na sila sa Pilipinas, malaki ang posibilidad na tanggapin ni Jackie ang mga offer para sa kanyang mga star-material na anak, basta hindi magkakaroon ng conflict sa pag-aaral ng mga bata.

Higit sa lahat, maligaya si Jackie dahil hindi na malayung-malayo ang distansiya nila nina Andre at Kobe sa isa’t isa, kaya tiniyak niyang mapapadalas ang pagbabakasyon nila sa Pilipinas ng kanyang asawa at mga anak.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mula sa London, England ay lumipat na ang pamilya ni Jackoe Fortser sa Guangzhou, China.
PHOTO/S: Jackie Forster Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results