Dingdong Dantes, bida sa remake ng hit Korean movie

IMAGE Noel Orsal / Facebook

Kasalukuyang nagaganap sa isang Makati studio ang pictorial ni Dingdong Dantes para sa A Hard Day, ang action movie na gagawin niya sa Viva Films.

Si Dingdong ang lead actor at si Lawrence Fajardo ang direktor ng pelikula na magsisimula ang principal photography sa March 25, 2019.

Ang A Hard Day ang Philippine adaptation ng 2014 South Korean crime action thriller film na pinagbidahan ni Lee Sun-kyun at ipinalabas sa Director’s Fortnight ng 2014 Cannes Film Festival.

Humakot din ng mga parangal sa iba’t ibang mga international film festival ang nabanggit na Korean movie.

Isang critically–acclaimed sleeper hit ang A Hard Day kaya nagdesisyon ang Viva Films na mag-produce ng Philippine adaptation at si Dingdong lang ang nag-iisang choice para sa lead role.

Corrupt detective ang karakter na gagampanan ni Dingdong sa A Hard Day.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN