Anak ni Cristine Reyes, gustong gayahin ang pagpapakulay niya ng buhok

by Jojo Gabinete
Mar 6, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal / @cristinereyes Instagram

Sporting a red hair pa rin si Cristine Reyes sa presscon ng Maria, na ginanap ngayong tanghali, March 6, sa Playhub events place sa Quezon City.

Hindi pa puwedeng ibalik sa dati ang kulay ng buhok ni Cristine dahil hindi pa tapos ang shooting niya para sa Untrue, ang pelikula nila ni Xian Lim na kinunan sa Georgia ang karamihan sa mga eksena.

Continue reading below ↓

"Hindi ba nagkaroon ng damage ang buhok niya?" ang unang itinanong kay Cristine ng Cabinet Files sa presscon ng Maria.

"Hindi naman. So far, I thank God, matibay siya. Nagpakulay na ako ng platinum white before pa," ani Cristine.

May heartwarming anecdote ang 30-year-old actress tungkol sa kanyang anak na si Amarah nang magpakulay at magpagupit siya ng buhok.

Gusto raw ni Amarah na gayahin si Cristine.

"Noong nagpakulay at nagpa-haircut ako, kasama ko siya and pine-prep ko na siya na, 'Mommy will color her hair. Mommy will cut her hair because you know why? I need it for the job, for work, that’s why I’m gonna color it.'

"Sabi niya, 'I wanna color my hair too!'

"I said, 'No, baby, you cannot color your hair. You’re still a baby and you have like a sensitive scalp. And if you color your hair, you will have a booboo ( because you will keep scratching it."

Continue reading below ↓

Nangingislap ang mga mata ni Cristine kapag napag-uusapan ang kanyang anak.

Undeniably, si Amarah ang inspirasyon at sentro ng mundo ni Cristine dahil lalo nitong minahal at binigyan ng pagpapahalaga ang acting career mula nang maging nanay siya.

"Honestly, kapag nagtatrabaho ako, I'm really serious. I’m really serious with work, now that I am a mother.

"I value my work more, so kung ano yung hinihingi sa akin ng direktor, yung hinihingi sa akin ng writer, pinag-aaralan ko.

"Kapag hindi ko siya nakuha, uulitin ko. Ayokong magpapabaya."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal / @cristinereyes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results