Cristine Reyes, ipinakita ang batak na pangangatawan sa Maria

by Jojo Gabinete
Mar 7, 2019
PHOTO/S: Viva Films Instagram

Naganap ang special screening ng Maria sa Cine Adarna ng UP Film Institute kagabi, March 6.

Ang Maria ang action movie na ipinagmamalaki ni Cristine Reyes at itinuturing nitong pinakamaganda sa lahat ng mga pelikula niya mula nang magsimula ang kanyang acting career noong 2004.

Maligayang-maligaya si Cristine dahil nagustuhan ng mga nanood ang Maria, na isang hardcore action movie na hindi puwede sa mga mahihina ang puso at mahina ang resistensiya sa mga bayolente at madudugong eksena.

Continue reading below ↓

Si Pedring Lopez ang direktor ng pelikula at siya ang pumili kay Cristine para maging bida dahil taglay ng aktres ang mga katangian na hinahanap niya.

"Noong isinusulat kasi namin ang kuwento ng Maria, namili kami sa mga artista ng Viva.

"Yung mata kasi ni Cristine, kapag tiningnan mo yung mata niya, fighter talaga.

"So, noong isinusulat namin ang Maria, siya talaga ang choice namin.

"Ang ganda ng built niya 'tapos hindi siya bato-bato. May muscle pero sexy.

"At the same time, fierce ang mga mata niya, pero puwede kang maawa sa kanya saka sobrang galing niya talaga," paliwanag ni Lopez tungkol sa pagpili niya kay Cristine bilang lead star.

Continue reading below ↓

Sa presscon ng Maria, sinabi ni Cristine na walang sexy scene sa pelikula, pero hindi niya binanggit na may nude siya—ang shower scene na nagpakita sa kanyang batak na pangangatawan.

Nang matapos ang screening, nagpalakpakan ang mga manonood na labis na ikinatuwa ni Cristine dahil na-appreciate ng lahat ang performance na ipinamalas niya, na puwedeng maging dahilan para magkaroon siya ng mga best actress nomination sa susunod na taon.

Tiniyak ni Lopez na magkakaroon ng sequel ang Maria dahil ito ang plano noong isinusulat pa lamang nila ng kanyang co-writers ang kuwento ng pelikula.

Postscript: Tumagal ng 28 days ang shooting ng Maria kaya isa ito sa mga pinakamagastos na movie project ni Lopez.

Nagpapasalamat ang direktor sa all-out support na ibinigay sa kanya ni Boss Vic del Rosario, ang producer ng Viva Films.

Anim na araw na kinunan ni Lopez sa Port Area, Manila, ang fight scene nina Cristine at Ivan Padilla pero less than 10 minutes lamang itong mapapanood sa silver screen.

Continue reading below ↓

Hindi lamang ang Maria ang tumanggap ng masigabong palakpakan mula sa mga nanood dahil bago nagsimula ang screening, ipinalabas muna ang Kangkungan, ang five-minute short film ng multi-awarded director na si Mike de Leon, na hindi itinatago ang galit kay President Rodrigo Duterte at sa Marcos family.

Tulad ng Maria, well-applauded ng Cine Adarna audience ang Kangkungan.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Viva Films Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results