Lian Paz, ayaw pag-artistahin ang mga anak niya kay Paolo Contis

IMAGE Courtesy of Lian Paz

Mga star material ang mga anak ng former EB Babes member na si Lian Paz, sina Xonia at Xalene, na nagdiriwang ngayon ng 9th and 8th birthday, respectively, dahil pareho sila na isinilang ng March 7.

Sina Xonia at Xalene ay mga anak ni Lian sa dati niyang asawa na si Paolo Contis.

Para kay Lian, mas nakakatipid siya dahil taun-taon, isa lang ang birthday celebration nina Xonia at Xalene na simple lang ang gusto, ang makapag-swimming sila sa tuwing kaarawan nila.

"Mas tipid, actually, kasi isang gastos na lang.

"Pero since sa Cebu kami nakatira, we have our resort here kapag gusto nilang mag-swimming.

"Anytime, pumupunta kami sa Vista Azul sa Catmon and currently, we’re building a bigger one in south [Dalaguete, Cebu].

"For their birthday celebration today, sa ngayon, since mga bata pa sila, they actually have the same want.

"Gusto nila, most of the time, swimming and family ang kasama.

"Last year, we surprised them. We invited their best friends, kasama ang mga parents.

"Ganyan sila, nakakatuwa, kasi they only want simple things and simple celebrations.

"Gusto ko rin silang masanay nang ganoon kasi that’s what really matters. Kung saan sila masaya and comfortable," kuwento ni Lian.

Mapalad si Lian dahil bukod sa pagkakaroon ng mga magaganda, matatalino, at mababait na anak, very supportive and loving ang kanyang partner na si John Cabahug.

At dahil mga star material sina Xonia at Xalene, papayag ba si Lian na pumasok sa showbiz ang kanyang mga anak?

"Xonia and Xalene are really the shy type.

"Pero mas super camera shy Si Xonia kaya laging stolen shot ang mga picture niya.

"Si Xalene do vlogs sa Ipad niya na recent ko lang na-discover kasi secret daw nila ni Daddy Anjan [John] niya.

"Kay Daddy lang niya ipinapakita ang kanyang mga vlog.

"Ayoko rin silang mag-artista dahil they do well in school.

"Alam naman natin na when we enter showbiz, ibang commitment yun and talagang maiiwan mo ang pag-aaral for quite some time.

"Okay lang sa akin ang commercials at print ads kasi one-time shoot lang.

"Mahirap kapag showbiz dahil full-time commitment."

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN