Alex Calleja, kinuhang bida si Teddy Corpuz sa pelikula dahil sa It's Showtime

IMAGE Noel Orsal

Mabilis ang mga pangyayari sa buhay ni Alex Calleja dahil mula sa pagiging stand-up comedian at writer ng It’s Showtime, direktor na siya ng Papa Pogi—ang launching movie ni Rocksteddy frontman Teddy Corpuz.

Nagpakatotoo si Alex nang sabihin nitong kulang ang kaalaman niya sa paggawa ng pelikula, pero mahirap tanggihan ang malaking oportunidad na ibinigay sa kanya ni Roselle Monteverde, ang producer ng Regal Entertainment, Inc.

"Nagpapasalamat ako dahil binigyan ako ng chance ng Regal.

"Nakikita kasi nila akong kasama ni Vhong Navarro sa pelikula, writer, creative consultant, may mga nagpapagawa ng gags…

"Nakita ni Ma’am Roselle, sabi niya, 'Bigyan kita ng pelikula.'

"Sabi ko, hindi ako marunong ng mga technical.

"Sabi niya, ‘Basta bibigyan kita ng magaling na director of photography basta gawin mo lang yung vision mo.'

"Hindi naman ako nangapa kasi meron naman talaga akong vision sa utak ko ng gusto kong mangyari.

"Ang kinakabahan lang ako, sa pakikipag-usap sa mga technical na tao, like, kapag tinanong na ako ng cameraman ko, anong lente ang gagamitin, hindi ko pa kasi naaaral talaga.

"Ang nakikita ko lang yung mga visual, 'tapos ipinapa-execute ko sa DOP," ang walang pagpapanggap na kuwento ni Alex tungkol sa karanasan niya bilang first-time movie director.

"Economics" ang sinabing dahilan ni Alex sa desisyon nitong piliin si Teddy bilang bida ng Papa Pogi dahil sa kanyang paniniwalang malaki ang maitutulong ng It’s Showtime sa promo ng kanilang pelikula.

"Bakit si Teddy? Economics, It’s Showtime! Tutulungan ako ng It’s Showtime.

"I rather get someone na tutulungan ng It’s Showtime kesa walang promotion.

"Tingnan n’yo yung ibang mga pelikula, hindi kumikita. Kasi kailangan natin ng marketing.

"It’s Showtime is malaking bagay.

"Kunin ko na si Teddy, kunin ko na yung tatlo—si Luke Conde, Nikko Natividad, Zeus Collins ng Hashtags, kunin mo si Dawn Chang ng GirlTrends, mabibigyan ng exposure sa It’s Showtime.

"Si Teddy, gusto ko siya, nag-uusap kami niyan, may comedy timing siya.

"Ang It’s Showtime, araw-araw. Magkakaroon sila ng production number.

"March 20 ang playdate, malamang, pagsuotin pa ng T-shirt ang mga host.

"Sinusuportahan nila lahat ang isa’t isa," sabi ni Alex.

Confident si Alex sa suportang ibibigay ng It’s Showtime sa Papa Pogi, kahit nag-resign na siya bilang writer ng programa noong January 2019.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN