Bea Rose Santiago, patuloy ang pagpapagamot sa Canada

IMAGE Jojo Gabinete / Instagram

Noong February 28, 2019, nag-post si Miss International 2013 Bea Rose Santiago tungkol sa love and healing.

Kaya ang kalagayan niya ang kinumusta ng Cabinet Files sa kanyang kaibigang si Cindy Miranda, ang co-star ni Cristine Reyes sa action movie na Maria.

Parehong winners sina Bea at Cindy sa 50th edition ng Binibining Pilipinas noong 2013, at dito nagsimula ang kanilang friendship.

Si Bea ang hinirang na Bb. Pilipinas International 2013 at si Cindy ang nanalo ng Bb. Pilipinas Tourism title.

That year, si Bea rin ang nanalo na Miss International sa Tokyo, Japan.

"Nasa Canada pa rin," sagot ni Cindy nang tanungin ng Cabinet Files tungkol sa kasalukuyang kalagayan ni Bea Rose.

Isiniwalat ni Bea sa publiko noong August 2018 ang pagkakaroon niya ng chronic kidney disease.

Noong December 2018, marami ang nalungkot at nagdasal para kay Bea Rose dahil sa rebelasyon nitong kailangan niyang sumailalim sa life-saving kidney transplant.

Ayon pa kay Cindy, "Bea’s undergoing dialysis I think.

"I’m not sure about the kidney transplant, but I heard about it.

"I think she’s coming home.

May komunikasyon pa rin si Cindy kay Bea Rose sa pamamagitan ng social media.

Sa huling Instagram post ni Bea Rose, ibinahagi nito ang mga ginagawa niya sa tuwing nakakaranas siya ng depression dahil sa kanyang karamdaman.

"It’s ok to not be ok sometimes..... Whenever I feel depressed of my situation I cry it out, take a bath, write about it, listen to music and on my case I listen to gospel music and pray. Helps me heal and feel strong.

"Everyday is different but remember, be grateful you are alive and not sick and dying.

"Remember when you were in high school, when you used to cry over silly things thinking it’s the end of world, remember when you got dumped, remember when you had no baon and you were so hungry in recess.

"Remember when you have to fetch your own water for bath, remember when you only have two pandesals for breakfast, remember when the woman who helped raised you lost her memory and can’t remember you when you visited her on her death bed.

"Be grateful always!!! Five years ago, 10 -years ago, life is a crazy journey. A lot of things happened and look at you now! You are strong and you can do this."

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN