Ai-Ai delas Alas, natuklasan na ang pasimuno ng paninira sa kanya

by Jojo Gabinete
Mar 9, 2019
PHOTO/S: Ai-Ai delas Alas Instagram

May nararamdaman nang inner peace si Ai-Ai delas Alas dahil natuklasan na niya ang identity ng taong nasa likod ng mga paninira laban sa kanya.

Matagal nang napapansin ni Ai-Ai na sa tuwing may mga post siya sa social media tungkol sa mga magagandang pangyayari sa kanyang buhay, kinukuyog siya ng mga hater at basher na wagas ang panglalait sa pagkatao niya.

Continue reading below ↓

Nang ma-feature sa PEP.ph ang unang beses na pagpapalipad ng eroplano ng kanyang asawa na si Gerald Sibayan, napuna ni Ai-Ai na naging active uli ang bashers niya.

Nang manalo siyang best actress sa 39th Fantasporto International Film Festival sa Portugal noong February 24, 2019, masasakit na mga komento ang muling natanggap ni Ai-Ai mula sa haters niya.

Last night, March 8, nadiskubre ni Ai-Ai ang koneksiyon ng mga basher niya sa taong pailalim at palihim ang paninira sa kanya sa pamamagitan ng social media.

Imbes na maapektuhan, awa para sa personalidad na tinutukoy niya ang umiral kay Ai-Ai.

At the same time, may kapayapaang naramdaman ang Comedy Queen dahil sa katotohanang natuklasan at napatunayan niyang tama ang kanyang mga hinala.

Sabi ni Ai-Ai, "At least, nagkaroon na ng closure.

"Totoo talaga na the truth shall set you free.

"Hindi kagaya dati na talagang nag-iisip ako kung sino ang pasimuno ng mga paninira sa akin dahil wala naman akong mga tao na inagrabyado."

Continue reading below ↓

Nang malaman ni Ai-Ai ang katotohanan, naalaala niya ang mga insidente tungkol sa personal experiences na kanyang ikinuwento, in confidence, sa isang taong pinagkatiwalaan at itinuring na mabuting kaibigan.

"Nagkita kami ng kakilala ko sa isang showbiz event.

"Siya ang nagkuwento sa akin ng blind item na nabasa niya sa isang gossip blog tungkol sa aktres na nagkakaroon ng problema sa asawa.

"Ang sabi niya, 'Kawawa naman si [pangalan ng isang sikat na aktres], sinasaktan ng asawa niya.'

"Siyempre, na-curious ako, binasa ko rin ang blind item sa gossip blog, at naloka ako dahil ako ang subject ng blind item na detalyado, hindi ang aktres na sinasabi ng nakausap ko.

"Isang tao lang ang pinagkuwentuhan ko tungkol sa personal problem ko noon kaya sigurado ako na siya ang nag-feed ng blind item sa writer dahil magkaibigan sila."

Unti-unting nilayuan ni Ai-Ai ang taong itinuring na kaibigan pero ipinagkanulo siya.

Dahil sa kanyang discovery kagabi, nag-post si Ai-Ai ngayong umaga, March 9, sa Instagram account niya ng:

Continue reading below ↓

"Keep Calm and Let Karma Finish It.

"Remember, what will you do now will come back to you in the future.

"Life has a funny way of making you deal with what you make others go through."

Ito ang dahilan para siraan uli siya ng bashers na gumagamit ng iba’t ibang mga account sa social media.

Continue reading below ↓

Takang-taka si Ai-Ai dahil naka-tag si Gretchen Barreto sa mga harsh comment ng bashers at haters.

Nasagot ang pagtataka ni Ai-Ai nang may magsabi sa kanyang nadamay si Gretchen dahil sa reaksyon nitong "Am I thinking what you are thinking," na natabunan ng ibang mga comment kaya hindi niya agad nabasa.

Continue reading below ↓

Ngayong alam na ni Ai-Ai ang katotohanan, may peace of mind na siya at ipagdarasal na lamang niya sa Diyos na magkaroon din ng kapayapaan sa sarili ang main source ng mga paninira sa kanya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Ai-Ai delas Alas Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results