Nicole Guevarra Flores, bigong makuha ang korona ng Miss International Queen 2019

Jazelle Barbie Royale ng USA, first black winner ng Miss International Queen.
by Jojo Gabinete
Mar 9, 2019

Nabigo si Nicole Guevarra Flores ng Pilipinas na manalo sa Miss International Queen 2019.

Ang Miss International Queen ay international beauty pageant para sa transgender women na ginanap sa Tiffany’s Show sa Pattaya, Thailand, kagabi, March 8, 2019.

Hindi na-duplicate ng 22-year-old Filipino transgender beauty ang tagumpay nina Trixie Maristela (Miss International Queen 2015) at Kevin Balot (Miss International Queen noong 2012).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami ang umasang makukuha ni Nicole ang korona at titulo ng Miss International Queen 2019 dahil noong nakaraang taon, siya ang nanalo na Super Sireyna Philippines 2018, ang beauty contest ng Eat Bulaga! para sa transgender women.

Dahil sa title na napanalunan ni Nicole, siya ang naging kinatawan ng Pilipinas sa Super Sireyna Worldwide 2018, ang one-day only international beauty contest ng Eat Bulaga! noong May 2018 at siya ang pinalad magwagi.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Jazelle Barbie Royale ng USA ang tinanghal na Miss International Queen 2019, first runner-up si Kanwara Kaewjin ng Thailand, at second runner-up si Yaya ng China.

Nakabilang lamang sa Top 12 candidates ang Philippine delegate.

Si Royale ang kauna-unahang colored o black winner ng Miss International Queen mula nang mag-umpisa ito noong 2004.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results