Zsa Zsa, ipinakilala bilang bagong hurado ng Tawag ng Tanghalan

IMAGE It's Showtime Facebook

Ipinakilala si Zsa Zsa Padilla bilang bagong hurado ng Tawag ng Tanghalan, ang singing competition segment ng It’s Showtime, ngayong Lunes, March 11.

Masayang-masaya si Zsa Zsa dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga host at studio audience ng noontime variety show ng ABS-CBN.

"Sobrang nagulat ako, maraming-maraming salamat sa inyo.

"Thank you very much for welcoming me this way. Nagulat ako, nagulat ako talaga," pasasalamat ni Zsa Zsa.

Kinanta ng Divine Diva ang lahat ng kanyang mga hit song noon ("Point of No Return," "Hiram," at "Mambobola") sa opening production number niya para sa It’s Showtime.

Nang tanungin sa style niya bilang hurado ng "Tawag ng Tanghalan," sinabi ni Zsa Zsa na magiging gentle judge siya.

"Gentle naman. Ang hirap naman siyempre na nakasalalay yung future nila," sagot niya.

Nangako rin si Zsa Zsa na magiging truthful siya dahil makakatulong ito sa "Tawag ng Tanghalan contenders."

In jest, nagsalita si Vice Ganda na sinalakay na sila ng mga Padilla sa studio dahil si Zsa Zsa ang ika-apat na miyembro ng Padilla family na magiging bahagi ng It’s Showtime.

Mainstay ng programa ang anak ni Zsa Zsa na si Karylle, ang kanyang pinsan na si Amy Perez, at ang asawa ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez.

Hiniling ni Zsa Zsa sa mga host ng It’s Showtime na tawagin siya bilang "MomZ."

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN