Janno, Dennis, at Andrew ibabalik ang old-school comedy

IMAGE Janno Gibbs Instagram

Turning 50 years old si Janno Gibbs sa September 16, 2019, pero ang halos hindi pagbabago ng kanyang hitsura ang napansin ng lahat sa story conference ng Sanggano, Sanggago at Sanggwapo—ang reunion movie nila nina Dennis Padilla at Andrew E.

"Relaxed lang. I think sa lifestyle yun.

"Kung intense ka o pressured ka lagi, lagi kang problemado, mabilis kang tatanda," reaksyon ni Janno sa mga pumuna sa kanyang youthful look.

Looking forward si Janno sa shooting ng pelikula na gagawin nila nina Dennis at Andrew dahil matagal na silang hindi nagkakasama sa isang movie project.

Ipinagtapat ni Janno na sila nina Dennis at Andrew ang humiling sa Viva Films na ibalik ang comedy movie for males, at ito nga ang Sanggano, Sanggago at Sanggwapo.

"Excited kami kasi we really asked for this. Reunion talaga ng magbabarkada.

"Ni-request naming tatlo with Direk Al Tantay. We really wanted a reunion movie and we wanted to bring back old school na comedy kasi matagal nang wala.

"Old school plus comedy for males. Matagal nang wala dahil usually ngayon, nagke-cater sa women, family ang mga comedy.

"For men naman uli."

Ano ang pagkakaiba ng Sanggano, Sanggago at Sanggwapo sa mga nakaraang pelikula ninyo nina Dennis at Andrew?

Ayon kay Janno, "We’re hoping walang difference sa past comedy movies namin but, siyempre, old school pero mag-i-inject kami ng mga bago to bring our kind of comedy to the new audienc.

"Sobrang dami ng ginawa namin na movies noong ‘90s.

"Nakikita namin sa comments ng fans, ng viewing public na they missed yung old kind ng comedy.

"Usually ngayon, romcom naman ang mga comedy or Vice Ganda, wala nang for males na medyo naughty, pilyo."

Si Al Tantay ang direktor ng reunion movie nina Janno, Andrew E., at Dennis.

Kasama rin nila sa pelikula ang veteran actor na si Eddie Garcia at leading ladies sina Louise delos Reyes, Cindy Miranda, at Kathleen Paton.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN