Zsa Zsa Padilla, nagpaka-vlogger sa presscon ng Mystified

IMAGE Jojo Gabinete / Instagram

Teary-eyed si Iza Calzado nang ipakita ang full trailer ng Mystified sa presscon nito ginanap kagabi, March 12, sa isang hotel sa Bonifacio Global City.

Understandable ang pagiging emotional ni Iza dahil napanood niya ang bahagi ng iFlix movie na pinaghirapan nila ng kanyang mga kaibigang sina Diana Zubiri, Sunshine Dizon, at Karylle.

Proud ang apat na original stars ng Encantadia dahil sa warm reception na natanggap mula sa entertainment press ng impressive full trailer ng unang project ng kanilang movie outfit, ang Sang’gre Productions.

Lalong natuwa sina Iza, Karylle, Sunshine, at Diana sa announcement na magkakaroon ng red-carpet premiere sa Malaysia at Indonesia ang Mystified.

Bukod sa apat na lead actress ng iFlix movie, dumalo sa presscon ang kanilang mga co-star na sina Sunshine Cruz, Matthias Rhoads, Cheska Laurel, at Ian Ignacio.

Present din si Zsa Zsa Padilla sa Mystified presscon bilang suporta kay Karylle at sa mga kaibigan nito.

Hindi lamang basta suporta ang ipinakita ni Zsa Zsa dahil vlogger din siya.

In fact, "Divine Vlogger" ang tawag ni Karylle sa kanyang ina na masipag nagdokumento sa lahat ng mga nangyayari sa presscon, gamit ang kanyang bitbit na camera.

Meticulous vlogger si Zsa Zsa dahil nakasentro ang kanyang atensiyon sa mga nangyayari sa stage habang nagaganap ang presscon.

Nang matapos ito, kinunan din niya ng video ang mga set decoration na ginamit sa mga eksena ng Mystified.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN