DJ Cha Cha, super bilib kina Gelli de Belen at Bayani Agbayani

by Jojo Gabinete
Mar 14, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Ang Pansamantagal ng Reality Entertainment ang unang pelikula ng radio disc jockey na si DJ Chacha.

Mapalad siya dahil hindi traumatic ang karanasan niya sa kanyang unang pelikula, dahil magaan at professional na katrabaho ang mga bidang sina Gelli de Belen at Bayani Agbayani.

"Nagulat ako nang makatrabaho ko silang dalawa. Ewan ko, siguro dahil magaan silang katrabaho.

Continue reading below ↓

"Hindi kagaya nung mga... hindi ko naman sasabihin na hindi magaan yung mga naka-work ko before," sabay prenong sabi ni DJ Cha Cha.

Nagkagaanan lang daw talaga sila ng loob nina Gelli at Bayani sa kanilang on-location shooting.

"Noong nandoon kami, kahit sobrang layo namin, parang ang saya.

"Kain lang kami, magkukuwentuhan kapag hindi pa kami tinatawag..."

Pero mas bumilib daw si DJ Cha Cha sa kalidad ng trabaho ng dalawang lead stars ng pelikula.

Kuwento pa niya tungkol sa karanasan niya bilang artista sa pelikula, "'Tapos naloka ako kasi first time ko nakita na umaarte na sila!

"Hindi na siya si Gelli de Belen, siya na talaga yung karakter sa movie.

"Nagkukuwento ako sa manager ko, sabi ko sa kanya, 'Grabe! Ganoon pala sa pelikula, kapag sinabi na ng direktor na action, roll…

"Si Bayani, hindi na siya, nag-iibang tao na sila!'

"Sabi ko, ganoon pala yun, ganoon pala sa pelikula. Talagang parang ang feeling ko, meron mga tao na that are born to do that, na magagawa rin ng iba pero it takes time."

Continue reading below ↓

Ang Pansamantagal director na si Joven Tan ang may idea na isama si DJ Chacha sa cast ng kanyang pelikula.

Payo raw sa kanya ni Direk Joven: "Huwag kang umarte. Hayaan lang natin kung ano ang lumabas sa 'yo."

Nang tanggapin ni DJ Chacha ang project, ang mga direktor na naninigaw ang unang concern niya dahil hirap siyang umiyak sa mga eksena.

Continue reading below ↓

Pero laking-pasasalamat ng resident DJ ng ABS-CBN na naging madali ang lahat para sa kanya.

"Noong nagsu-shoot na kami, in all fairness, inaantay ko na sigawan ako ni Direk kapag meron akong mga hindi naide-deliver na maayos—yung nabulol ako o kulang pa yung arte ko.

"Pero naging matiyaga naman po siya sa akin so okey na."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results