Karylle, sumulat ng theme song ng reunion movie ng Sang'gres

IMAGE Jojo Gabinete

Must-listen song ang "Simula," ang sariling composition ni Karylle bilang theme song ng pelikulang Mystified. 

Ito ang iFlix reunion movie nila ng original Encantadia stars na sina Iza Calzado, Sunshine Dizon, at Diana Zubiri.

Malakas ang last song syndrome factor ng "Simula" at kapag na-promote ito nang mabuti, malaki ang posibilidad na maging hit ito sa music charts. 

Ang friendship ng apat na aktres na nagsimula sa set ng Encantadia noong 2005 ang inspirasyon ni Karylle, kaya nakagawa ito ng hauntingly-beautiful song. 

"It's actually the journey of us in real life, which is parallel also in a way to the journey of the four girls in the movie.

"The song starts with 'Sinayang natin ang panahon,' which is us waiting for our movie. 'Hanggang kailan tayo ganito?' so that was the big question." 

Paliwanag pa ni Karylle sa lyrics ng kanta, "'Basahin mo ang luha ko.' Because we love being ourselves. We also have to feel each other like, how are we now, at this age?" 

Aminado rin si Karylle na malaking tulong ang exposure niya sa It's Showtime, upang mas maging malakas ang loob niya na i-explore ang iba niyang talento tulad ng songwriting. 

"I’m also thankful, coming from 'Tawag ng Tanghalan,' I do say a lot of things to judge people and their performances.

"But the truth is, I’m really very much inspired by them because I live my life feeling stage frights etcetera, but I see how courageous they are to be there on that stage." 

Dagdag pa rito ang patnubay kay Karylle ng kapwa hurado niya sa "Tawag Ng Tanghalan," ang singer-songwriter na si Rey Valera.

"And I just wanna make special mention and give thanks to Rey Valera because he is like my seatmate, and I do make him listen to my sounds all the time. And he’s so sweet, he listens.

"He keeps telling me, 'Karylle, write in Filipino.'

"I took it as a challenge. It’s hard to write, and I’m too slow, it’s in Filipino pa.

"So I wanted to make sure na I didn’t make any mistakes. I had it checked by the great Rey Valera."

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN