Walang galang na aktres, nakatikim ng sermon mula sa senior star

by Jojo Gabinete
Mar 16, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Nakatikim ng talak mula sa isang senior star ang aktres na sanay na sanay na sa showbiz pero nakakalimot pa rin sa pagbibigay-galang sa mga artistang nakatatanda sa kanya.

Magkasama ang dalawa sa isang television show at dito nangyari ang insidente na maging wake-up call at eye-opener sana sa aktres na walang pakialam.


Continue reading below ↓

Matagal nang artista ang senior star kaya imposible na hindi siya kilala ng aktres.

Nainsulto ang senior star dahil dinaraan-daanan lamang at hindi siya binabati ng aktres habang nasa set sila ng kanilang television program.

Ang inasal ng aktres ang naging mitsa para sumiklab ang galit ng senior star na kilala sa pagiging prangka, pero may mabuting puso at marunong makisama sa mga katrabaho niya.

To cut the story short, nakatikim ng sermon ang aktres mula sa senior star na kinampihan ng mga nakasaksi sa pangyayari.

May kamag-anak ang aktres na napakagalang at mataas ang respeto sa mga veteran actor.

Kapag nalaman ng kamag-anak ng aktres ang naging trato nito sa senior star, tiyak na hindi rin siya matutuwa.

Hindi isolated case ang nangyari dahil isa lamang ang senior star sa maraming bilang ng veteran actors na nagrereklamo laban sa mga artistang may dedma attitude at kawalan ng kagandahang-asal.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results