Ang paghahanap sa nawawalang pustiso ni Miguel Tanfelix

IMAGE Noel Orsal


Ang free diving ang pinakapaborito ni Miguel Tanfelix sa mga eksena niya sa Sahaya, ang prime-time drama series ng GMA-7 tungkol sa pamumuhay ng mga Badjao na mapapanood simula ngayong gabi, March 18, pagkatapos ng Kara Mia.

Bilang Ahmad, required si Miguel na lumangoy at sumisid sa dagat tulad ng mga tunay na Badjao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung mga Badjao po, kilala silang sumisisid sa open water, ganoon po sila mamuhay.

"So, yung taping namin, pinag-aralan ko ang free diving habang hindi pa kinukunan ang mga eksena namin.

"Naglalaro ako, pumupunta ako sa ilalim [ng dagat], pinagmamasdan ko ang mga isda.

"Siyempre, yung suot namin, medyo kita yung skin," napangiting kuwento ni Miguel, na maraming "topless" scenes sa Sahaya.

Nagsimula ang showbiz career ni Miguel nang sumali siya sa StarStruck Kids sa edad na lima noong 2004.

Maituturing nang veteran actor si Miguel dahil ngayong March 2019, ipinagdiriwang niya ang kanyang 15th anniversary bilang artista.

THE SEARCH

Noong 2006, nagkasama sina Diana Zubiri at Miguel sa Linlang, ang episode ng Now & Forever, ang afternoon drama series ng GMA-7.

Si Miguel ang gumanap na nakababatang kapatid ni Diana sa Linlang at hanggang ngayon, hindi nakakalimutan ng aktres ang funny anecdote niya tungkol sa former child actor.

Ikinuwento ni Diana na may isang eksenang tumatakbo sila ni Miguel sa talahiban dahil may mga humahabol sa kanilang masasamang loob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Six years old noon si Miguel at dahil bungi ang mga ngipin nito, ipinagpagawa siya ng pustiso para sa kanyang mga eksena.

Habang tumatakbo sina Diana at Miguel, biglang nalaglag ang pustiso ng child actor.

Nang matapos kunan ang chase scene, tumulong si Diana at ang production staff sa paghahanap na nawawalang pustiso ni Miguel.

Kuwento ni Diana, "Lahat kami naghanap sa pustiso ni Miguel kasi uwing-uwi na kami, mga 2:30 A.M. na noon.

"Last scene na yun kaya tumulong na rin sa paghahanap ang staff.

"Ang assistant director namin ang nakakita sa talahiban ng pustiso ni Miguel."

Hindi makapaniwala si Diana na binatang-binata na ngayon ang child star na gumanap na kapatid niya at nawalan ng pustiso sa taping ng drama series ng GMA-7.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN