Vickie Rushton, pasok sa 40 official candidates ng Binibining Pilipinas 2019

IMAGE Instagram


Muling sasabak sa beauty pageant ang girlfriend ni Jason Abalos na si Vickie Marie Rushton.

Kasali siya sa 40 official candidates ng 56th edition ng Binibining Pilipinas na magaganap ang coronation night sa Smart Araneta Coliseum sa June 9, 2019.

Artista at former PBB housemate si Vickie na hindi na baguhan sa mga beauty pageant dahil siya ang Mutya ng Pilipinas title-holder noong 2011 at first runner up sa Binibining Pilipinas 2018.

Twenty-six years-old na si Vickie pero kaarawan niya sa May 8, kaya 27 years old na siya bago maganap ang coronation ng Binibining Pilipinas 2019.

Kung nangangarap si Vickie na mapanalunan ang Miss Universe Philippines crown, pasok pa rin siya sa "must be at least 18 and under 28 years of age" requirement ng Miss Universe Organization.

Official candidate din ng Binibining Pilipinas 2019 si Leren Mae Bautista, ang Mutya ng Pilipinas 2015 na hinirang na Miss Tourism Queen of the Year International noong 2015.

Tulad ni Rushton, 26 years old si Bautista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kandidata rin sa Binibining Pilipinas 2019 ang mga aspiring beauty queen na sumali na noon sa iba’t ibang mga beauty contest.

Binibining Pilipinas repeater naman si Maria Andrea Abesamis, ang anak ni Miss Universe 1984 3rd runner-up Desiree Verdadero.

Kabilang si Andrea sa Top 15 finalists ng 55th edition ng Binibining Pilipinas noong March 18, 2018.

Contestant din ng 56th edition ng Binibining Pilipinas si Samantha Ashley Lo, ang representative ng Pilipinas sa Best Model of the World na ginanap sa Istanbul, Turkey, noong December 2018.

Nakuha ni Lo ang karapatang maging official representative ng ating bansa nang manalo siyang Best Model of the Philippines 2018, ang contest ng GLAM Philippines ng Empire.Ph. noong November 2018.

Ang mga sumusunod ang bumubuo sa 40 official candidates ng Binibining Pilipinas 2019:

Hannah Arnold

Jane Darren Genobisa

Samantha Poblete

Danielle Joi Magno

Mary Faye Murphy

Joanna Rose Tolledo

Jessica Marasigan Marie

Sherry Anne Tormes

Dia Nicole Magno

Honey Grace Cartasano

Francia Layderos Cassandra Chan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Danielle Isabelle Dolk

Jessarie Dumaguing

Maria Isabela Galeria

Julia Eugene Saubier

Melba Ann Macasaet

Emma Mary Tiglao

Alanis Reign Binoya

Louisielle Denise Amorog

Gazini Christiana Ganadis

Marianne Marquez

Joahnna Carla Saad

Pauline Anne Cordero

April May Short

Leren Mae Bautista

Rubee Marie Faustino

Larah Grace Lacap

Martina Faustina Diaz

Malka Shaver

Kimberly Penchon

Samantha Mae Bernardo

Ilene Astrid de Vera

Maria Andrea Abesamis

Bea Patricia Magtanong

Jean Nicole Guerrero

Samantha Ashley Lo

Rosham Ramirez Saeed

Vickie Marie Milagrosa Rushton

Sigrid Grace Flores


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN