Vhong Navarro, tikom ang bibig tungkol sa relasyon nina Vice Ganda at Ion Perez

IMAGE Jojo Gabinete


Sinuportahan ni Vhong Navarro ang red-carpet premiere ng Papa Pogi, ang directorial debut ng kanyang protegé na si Alex Calleja at launching movie ng kaibigan at It’s Showtime co-host niyang si Teddy Corpuz.

Ginanap ang premiere nitong Lunes ng gabi, March 18, sa Trinoma Cinema 6.

Nagpaunlak si Vhong magpainterbyu sa entertainment press tungkol sa friendship nila ni Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero bigla siyang tumayo at tinapos ang pakikipag-usap nang tanungin siya tungkol sa kanyang nalalaman sa rumored love affair nina Vice Ganda at Miss Q&A Kuya Escort Ion Perez.

"Actually, ako, nasa camera lang ako. So, masaya kami sa [harap] ng camera.

"Hindi ko alam kapag likod ng camera... at dahil diyan, magbabalik na ako [sa upuan]!" ang natatawa at safe na sagot ni Vhong, sabay tindig para bumalik sa kinauupuan niya.

Bago pinutol ni Vhong ang pakikipag-usap sa entertainment writers, ganadung-ganado siya sa pagkukuwento tungkol sa magandang samahan nila ni Alex, na spiel writer niya sa It’s Showtime at binigyan ng break sa kanyang mga pelikula.

"Para akong magulang ni Alex kaya nakaka-proud.

"Kumbaga sa binigyan mo ng tiwala, ngayon eto na.

"Isa sa mga pangarap niya kasi dati, gusto ko lang, kasama si Alex.

"Bukod sa lagi siyang kasama sa movies ko, lately, isinasama ko rin siya sa mga brainstorming, sa paggawa ng mga proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, nakakagulat, napasok na siya sa Regal bilang creative consultant at, ngayon, nagdidirek na.

"Ang dami na, sobrang layo na ng narating niya. Nakaka-proud," may pagmamalaking sabi ni Vhong.

Si Alex ang sumulat ng kuwento ng Papa Pogi at siya rin ang direktor.

Base sa reaksiyon ng audience, nagtagumpay si Alex sa unang project nito bilang first-time movie director.

Hindi malabo ang posibilidad na masundan ang mga project ni Alex sa Regal Entertainment, Inc. kapag na-translate sa box-office success ng Papa Pogi ang malakas na tawanan at palakpakan ng mga nanood na naaliw sa lahat ng mga eksena ng pelikula.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN