Death scene ni Cindy Miranda sa Maria, pinagtawanan

IMAGE Instagram


Ang death scene ng karakter ng former beauty queen na si Cindy Miranda sa Maria ang isa sa mga dapat abangan sa action movie na pinagbibidahan ni Cristine Reyes.

Isa ito sa mga nakapagpatawa sa mga nanood ng special screening ng pelikula sa Cine Adarna ng UP Film Center noong March 6, 2019.

Hindi pa napapanood ni Cindy ang Maria, pero natuwa siya nang makarating sa kanya ang balitang  naaliw ang audience sa death scene niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinuwento ni Cindy na nagkaroon ng revision sa kanyang death scene dahil bumabagyo nang mag-shooting sila sa Port Area, Manila.

Kinumpirma niya ang sinabi ng direktor na si Pedring Lopez na anim na araw na kinunan ang mga fight scene sa Port Area, pero less than ten minutes lang na mapapanood sa wide screen.

"Napatagal ang shooting namin dahil bumabagyo noon. Hindi namin puwedeng dayain ang mga eksena.

"May time na hindi kami nakapag-shooting ng isang araw dahil malakas ang ulan kaya nasa loob lang kami ng tent.

"The next day, umuulan pa rin, stressful kaya binago na lang yung death scene ko.

"Oo nga, my God, yung death scene ko, nakakatawa," lahad ni Cindy.

Nagpapasalamat si Cindy dahil tumatak sa UP Cine Adarna audience ang eksena niya.

Ipinagtapat ni Cindy na si Meg Imperial at hindi siya ang original choice sa karakter na ginampanan niya sa Maria.

Pero hindi ito isyu dahil sa kanyang mga memorable experience habang ginagawa ang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Grabe talaga yung mga eksena, if you were there, sasabihin mo na ay ganoon lang pala ang nakita sa movie, pero grabe yung mga ginawa namin.

"Nag-training din ako sa Karambit Knife, yun nga lang, hindi ko nagamit sa Maria.

"Baka naman may mapag-gamitan ako sa next movie o sa next project but I’m so happy dahil nakatrabaho ko yung mga tao sa isang action movie, ang gagaling ng stuntmen.

"Natuto talaga kami sa kanila."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN