Tonton Gutierrez, Lovi Poe, Diana Zubiri, Paolo Bediones "biktima" ng Wikipedia

IMAGE Noel Orsal / Instagram


Ngayon, March 20, ang 51st birthday ni Tonton Gutierrez.

Pero noon pa man, hindi niya naging ugaling ipagdiwang kanyang kaarawan.

Imbes na magkaroon ng magarbong birthday party, isang simple dinner na kasama ang kanyang pamilya ang paraan ng taun-taon na pagdiriwang ni Tonton.

As always, maging ligtas sa lahat ng panahon ang pamilya niya ang tanging birthday wish ni Tonton na habang nagkakaedad, lalong bumabata ang itsura.

Anyway, kabilang si Tonton sa mga personalidad na biktima ng mga fake information sa Wikipedia, ang free online encyclopedia na hindi reliable source dahil hindi accurate ang mga data.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakalagay sa Wikipedia na "March 20, 1964" ang petsa ng kapanganakan ni Tonton.

Isa itong maling impormasyon dahil isinilang siya noong March 20, 1968 ng kanyang ina na si Liza Lorena.

Pinatanda si Tonton ng Wikipedia ng apat na taon dahil ang totoo, 51 years old lamang siya.

LOVI POE

Fake news naman ang inilabas ng Wikipedia tungkol kay Lovi Poe dahil Rowena Moran at hindi "Agnes Moran" ang pangalan ng nanay niya.

Si Agnes Moran ang former actress na nakarelasyon ng pumanaw na aktor na si George Estregan, at si Gary Estrada ang kanilang anak.

DIANA ZUBIRI

Salat din sa katotohanan ang Wikipedia article na nagtrabaho muna si Diana Zubiri sa Japan at nang bumalik sa Pilipinas, saka siya naging contract star ng Seiko Films.

Ang totoo, applicant si Diana na nakapila sa harap ng isang recruitment agency na nagpapadala ng mga talent sa Japan nang makita siya ng isang dating empleyado ng Seiko Films na nag-alok sa kanyang subukan ang pag-aartista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin totoo na naging contestant siya ng "Calendar Girl," ang contest ng defunct noontime show na Magandang Tanghali Bayan ng ABS-CBN.

PAOLO BEDIONES

Biktima rin ng Wikipedia ang host na si Paolo Bediones dahil sa outrageous information na siya ang hinirang na "Best Porn Actor of 2014" ng Pornhub Awards, ang award-giving body ng online adult site na Pornhub.

For the record, walang acting award na natanggap si Paolo dahil sa kanyang leaked sex video, pero totoong may Pornhub Awards.

Maraming tao sa buong mundo ang nabibiktima ng mga maling impormasyon sa Wikipedia kaya dapat maging maingat ang lahat.

Kung may pagdududa, importante pa ring tinatanong nang personal ang mga taong sangkot sa isyu o mag-research mabuti.

Malinaw ang online warning tungkol sa Wikipedia: "It is not a reliable source and can be edited by anyone at anytime."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN