Kapamilya comedian Nonong Ballinan, nakaw-eksena sa Papa Pogi

IMAGE Noel Orsal


Launching movie ni Teddy Corpuz ang Papa Pogi, pero hindi lamang siya ang nag-iisang bida ng pelikula.

Napansin din ang performance ng comedian na si Nonong Ballinan, na gumanap na kuya ni Teddy sa comedy movie ng Regal Entertainment, Inc.

Naturally funny at hindi trying-hard ang pagpapatawa ni Nonong kaya nakuha nito ang atensiyon ng audience at hindi sinasadyang nanakawan niya ng eksena ang kanyang mga co-star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-umpisa ang showbiz career ni Nonong nang sumali ito sa "Funny One" contest ng It’s Showtime at bilang celebrity housemate ng PBB Lucky 7 noong 2016.

Since then, hindi na nawalan ng mga assignment si Nonong sa ABS-CBN.

Naniniwala kaming kung mabibigyan ng malaking break at aalagaan niyang mabuti ang kanyang career, mas malayo pa ang mararating ni Nonong na bata pa lang, mahusay nang magpatawa.

"Noon po kasi mahilig na ako magpatawa kahit bata pa ako. Bangka sa mga tropa.

"Hindi ko sinasabi na magaling akong magpatawa, basta mapatawa ko lang yung mga kaibigan ko masaya na sa pakiramdam," sabi ni Nonong sa Cabinet Files.

Natatawa ka rin ba kapag pinapanood mo ang sarili?

"Minsan, mas nagiging critic ako sa sarili kesa matawa.

"Tinitignan ko kung may i-improve pa yung act or baka puwedeng iba ang ginawa ko.

"Nakikinig lang din ako sa tao kung tatawa sila habang pinapanood ako, tulad sa sinehan or sa TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan pinag-aaralan ko din yung set ko tulad ng pagre-record ng set ko sa cellphone, pero siyempre, ine-enjoy ko rin kapag pinapanood ko ang sarili ko.

"Proud akong makita ang sarili na lumalabas sa TV or big screen," sagot ni Nonong.

Marami pa raw siyang nais mangyari sa kanyang entertainment career.

"Marami akong pangarap pero di talaga ako nag-e-expect. Hinahayaan ko lang na dalhin ako ni Lord kung saan ako mapunta.

"Lagi ko lang dasal na salamat sa lahat ng mga blessing na dumarating. Malaki man o maliit, nagpapasalamat ako.

"Siyempre, gusto kong tumagal sa showbiz. Mahal ko ang trabaho ko bilang actor/comedian.

"Marami akong natutunan at inaaral para mapabuti ang trabaho ko."

Sa palagay mo, ano ang qualities mo na nagustuhan ng publiko?

"Sabi nila, likeable daw ako. Hindi ko alam talaga actually.

"Basta kung may pagkakataon na magpatawa hihirit ako."

Tulad ng ibang mga artista, nangangarap si Nonong na magkaroon ng launching o solo movie na hindi imposibleng mangyari dahil sa kanyang outstanding talent sa pagpapatawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat siguro ng mga artista, may pangarap na magkaroon ng solo movie na parang isa sa mga goal nila. “ Kung darating man yun sa akin, talagang e-enjoyin ko at gagalingan," pangako ni Nonong.

Nagtapos si Nonong ng Information Technology Course bago naging comedian, at dalawang taon na ang relasyon sa kanyang girlfriend.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN