Launch ng wax figure ni Pia Wurtzbach, sa Pilipinas gaganapin

IMAGE Madame Tussaud's Instagram

Contrary to earlier reports, sa Pilipinas at hindi sa Hong Kong magaganap ang unveiling ng wax figure ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Muling gumawa ng kasaysayan si Pia dahil siya ang kauna-unahang Pilipino na binigyan ng importansiya ng sikat na wax museum.

Sa Instagram post ng Madame Tussauds Hong Kong, magaganap ang unveiling ceremony ng wax figure ni Pia sa March 29 sa Fashion Hall ng SM Megamall.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang announcement ng Madame Tussauds Hong Kong:

"It took months to make Pia Wurtzbach’s wax figure but it’ll only be one week before you get to see it in Manila.

"Mark your calendars because on March 29, the queen herself is dropping by the SM Mega Fashion Hall for the big reveal. See you there!"

Ayon naman sa manager ni Pia na si Jonas Gaffud, piniling idaos sa Pilipinas ang unveiling ng wax figure ng former Miss Universe para maramdaman ng mga Pilipino ang launch.

Pero March 28 at hindi March 29 ang petsa na binanggit niya.

"Siyempre, sobrang excited na si Pia at kami rin," sabi ni Jonas.

Kinumpirma rin ni Jonas na isang wax figure pa lang ni Pia ang ginawa ng Madame Tussauds.

September 2018 nang ihayag ni Madame Tussauds Hong Kong General Manager Jenny You ang pagkakaroon ni Pia ng wax figure na itinuturing niya na isang milestone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Our Filipino guests have always been very important to us and we’ve always believed we should have a Filipino wax figure so we’re very pleased to have Ms.Pia Wurtzbach mark this milestone with us.

"Leading up to this moment, we of course did our own research and this is our way to showing the Filipino community living and visiting Hong Kong as well as our neighbor SEA cities that we heard them well.

"With Pia’s sweet positive and fun personality, we really could not have imagined having anyone but her to represent the Philippines in this way and what better way to share this milestone but on her birthday," pahayag ni You noong September 2018, ilang araw bago magdiwang si Pia ng 29th birthday.

Looking forward si Pia sa unveiling ng kanyang life-size wax figure sa susunod na linggo na perfect advance gift para sa 30th birthday niya sa September 24, 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Michael Cinco royal blue gown na suot ni Pia nang isalin nito ang kanyang korona kay Miss Universe 2016 Iris Mittenaere noong January 2017 ang damit na napili ng Madame Tussauds na gamitin para sa wax figure niya.

View this post on Instagram

????

A post shared by Pia Wurtzbach (@piawurtzbach) on

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN