Ina ni Kier Legaspi, iniyakan ang pahayag ni Dani Barretto

IMAGE @danibarretto and @kier_legaspi on Instagram


Dinamdam at iniyakan umano ni Hershey Legaspi ang mga sinabi ni Dani Barretto sa YouTube video nito tungkol kay Kier Legaspi.

Si Hershey Legaspi ang paternal grandmother ni Dani.

Bilang ina ni Kier, normal lang na masaktan si Hershey sa mga naging pahayag ng kanyang apo, na hindi rin nagustuhan ng magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Dani ang lovechild nina Marjorie at Kier na nakatakdang magpakasal sa kanyang fiancé na si Xavi Panlilio.

Nang maganap noong nakaraang buwan ang engagement party nina Dani at Xavi, may nagparating agad sa Cabinet Files ng balita na, diumano, buntis na ang anak nina Marjorie at Kier kaya magpapakasal na sila ng kanyang fiancé.

Hindi namin binigyan ng importansiya ang balita tungkol sa rumored pregnancy ni Dani na nakarating sa amin.

Muling nabuhay ang balitang ito dahil sa pagpalag nina Gretchen at Claudine sa pahayag niyang si Marjorie ang solong nagpalaki sa kanya.

Kung totoo man na on the family way si Dani, hindi nito kailangan ang mga unnecessary stress na posibleng makaapekto sa sanggol na ipinagbubuntis niya.

Hindi nagbabago ang aming paniniwala na ang mga showbiz personality rin ang gumagawa ng mga isyung ikapapahamak nila dahil hindi sila nag-iingat, lalo na sa panahon ng pamamayagpag ng social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung ayaw ng mga artista o celebrity na masangkot sa mga eskandalo at kontrobersiya, maging maingat sila sa kanilang mga social media post.

Huwag maging mga famewhore.

Sa kaso ni Dani, hindi lamang ang estranged at strained relationship nila ng biological father ang nauungkat dahil nadamay na rin ang personal affairs ng kanyang ina.

Hanggang ngayon, imbes na makapag-move on, minumulto pa rin si Marjorie ng mga nakaraang pakikipagrelasyon kina Kier at Dennis Padilla.

Nasasangkot na rin ang pangalan ng isang personalidad na may asawa at mga anak na dapat igalang dahil nananahimik sila, pero nakakaladkad sa eskandalo ang mga pangalan, kahit walang mga kinalaman sa mundo ng showbiz na ginagalawan ng Barretto sisters.

Postscript: Inilabas ng Nice Print Photo ang prenup pictures nina Dani at Xavi.

View this post on Instagram

Xavi Dani ???????? Golden hour

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto) on

Dahil sa balitang buntis si Dani, ang kanyang tiyan sa mga prenup photos ang pinagmamasdang mabuti ng mga mahihilig sa showbiz gossips at curious malaman ang tunay na kalagayan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinupuna ng mga malisyosa at ng mga matatalas ang mga mata na kung hindi nahaharangan ng kamay ni Dani, nakapuwesto siya sa likod ng kanyang fiancé kaya natatakpan ang tiyan niya.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN