Edu Manzano, malapit nang mamaalam sa Ang Probinsyano

Edu Manzano, handa nang mangampanya bilang congressman ng San Juan
by Jojo Gabinete
Mar 24, 2019
Edu Manzano, mamamaalam na sa Ang Probinsyano para tutukan ang pangangampanya bilang congressman ng San Juan.

Malapit nang magpaalam ang President Lucas Cabrera character ni Edu Manzano sa Ang Probinsyano dahil hanggang March 28 na lamang puwedeng mapanood sa telebisyon at pelikula ang mga artistang kakandidato para sa local positions sa midterm polls sa May 2019.

Hindi itinanggi ni Edu ang regrets na nararamdaman niya sa pag-alis sa Ang Probinsyano, dahil napamahal na sa kanya ang mga kasamahan, ang mga kapwa artista at ang production staff na nakatrabaho sa loob ng isang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero mas nananaig ang kagustuhan niyang mapaglingkuran ang mga kababayan sa San Juan City kaya kakandidato siya bilang House Representative.

Kung sakaling palarin siyang manalo, plano ni Edu na iwanan ang entertainment industry para mag-focus sa mga responsibilidad na ipinagkatiwala sa kanya ng mga residente ng San Juan City.

Marami naman ang nagtatanong kay Edu kung bayolente rin ang magiging katapusan ng karakter niya sa Ang Probinsyano, tulad ng nangyari sa papel na ginampanan ng senatoriable na si Lito Lapid.

Pero ayon kay Edu, walang nakakaalam.

“Kung paano ako mag-e-exit is I think the best kept secret in the Philippines today. Walang nakakaalam.

“Kapag umiikot ako sa San Juan, everybody has their own theory.

“Nakakatawa, minsan may talk na mag-state visit, magkakaroon ng coup de’etat, hindi siya makakabalik.

“Yung ibang mga residente ng San Juan, sinasabi nila, ‘Edu, huwag kang papayag na patayin ka. Tumakas ka na lang, magtago ka, itatago ka namin dito sa San Juan.’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“May mga nagsasabi na ikukulong ako, may mga nagsasabi na exile, pero walang nakakaalam,” kuwento pa ni Edu na tiniyak na magwawakas sa March 28 ang participation niya sa top-rating primetime drama action series ni Coco Martin sa ABS-CBN.

Hindi nag-iisa si Edu dahil malungkot din si Jhong Hilario na kailangan na rin na magpaalam sa Ang Probinsyano dahil re-electionist siya bilang konsehal sa second district ng Makati City.

“Kawawa rin yung ibang mga tatakbo, they had to leave the show because napamahal talaga sa kanila yung show,” pahayag ni Edu.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Edu Manzano, mamamaalam na sa Ang Probinsyano para tutukan ang pangangampanya bilang congressman ng San Juan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results