Jake Zyrus, patuloy pa rin ang laban para sa LGBT rights

Jake Zyrus, saludo sa talento ng Eat Bulaga BakClash Luzon finalists
by Jojo Gabinete
Mar 24, 2019
Jake Zyrus, patuloy pa rin ang laban para sa LGBT rights
PHOTO/S: Screen grab from Eat Bulaga

Nakita ng televiewers ng Eat Bulaga noong Sabado, March 23, 2019, ang irony ng buhay sa Grand Showdown ng Luzon contestants ng BakClash.

Doon nakita ang mga contestant na magagaling kumanta na nangangarap na maging tunay na babae kaya binabago nila ang kanilang singing voice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Doon din nakita si Jake Zyrus na isa nang transgender man na sumikat noon sa international scene bilang si Charice, ang young Filipina singer na may powerful voice pero binibigyang katuparan ang pagnanais na maging ganap na lalake.

Kung matinis na matinis ang singing voice ng transgender women contenders ng BakClash, mababang-mababa at boses-lalake na si Jake na epekto ng kanyang hormone replacement therapy.

Si Jake ang isa sa mga hurado sa Grand Showdown ng Luzon contestants ng BakClash, at kinilig sa mga pahayag niya ang mga contender na guwapong-guwapo sa kanya.

Tulad ng BakClashers, umaasa si Jake na darating ang panahon na wala nang alinlangan na matatanggap sa lipunan ang mga kagaya niya.

“I just wanna say I’m really proud of you all. I’m really proud, alam niyo kung bakit?

“Hindi man tayo magkakakilala nang personal, iisa lang kasi ang ipinaglalaban natin.

“And I’m really proud of you all. Alam niyo kung bakit?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kasi dito sa atin, kapag nakakakita tayo ng mga bading, ng gay people… parang ang unang-unang sumasagi sa isip nila is nakakatawa.

“Parang automatic na funny comedians… that’s it.

“Eto, pinatunayan ninyo na we’re more than that. We are human.

“Kung anuman yung nagagawa ng iba, nagagawa rin natin and I’m really proud of you all.

“Yung singing, wala na akong masasabi, ini-stress niyo kami pero I just wanna say na talagang grabe, pang-international ang mga talent.

“Thank you for having me. Thank you for giving me this opportunity to witness this.

“It’s definitely one of the best na pinag-judge-an ko so thank you so much,” ang sabi ni Jake na hanggang ngayon, nakararanas pa rin ng discrimination dahil sa kanyang desisyon na maging ganap na lalake, sa isip, salita at gawa.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jake Zyrus, patuloy pa rin ang laban para sa LGBT rights
PHOTO/S: Screen grab from Eat Bulaga
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results