Ivan Padilla, pangarap makapasok sa Ang Probinsyano

IMAGE Instagram


Hindi nakadalo si Ivan Padilla sa media conference at special screening ng Maria sa Cine Adarna ng UP Film Institute noong March 6, 2019 dahil may taping siya para sa Playhouse.

Nanghihinayang man, walang nagawa si Ivan dahil sa commitment niya sa morning drama series ng ABS-CBN na nagwakas noong Biyernes, March 22.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginanap nitong Lunes ng gabi, March 25, ang red-carpet premiere ng Maria sa Cinema 7 ng Trinoma kaya tiniyak ni Ivan na wala nang conflict sa kanyang schedule para makadalo siya.

Mga assassin ang role nina Ivan at Cristine sa pelikula.

Si Ivan ang love interest ni Cristine, pero sila ang naging mortal na magkaaway dahil piniling magbagong-buhay ng karakter na ginagampanan ni Cristine.

Hindi ang Maria ang unang crime action project ni Ivan dahil lumabas na siya noon sa mga U.S. television crime series na CSI: Miami, CSI:New York, Criminal Minds, at Dexter, gamit ang kanyang Hollywood screen name na Germaine de Leon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinakita ni Ivan sa Maria ang husay niya sa drama at action scenes dahil sa tunay na buhay, Brazilian Jiu-Jitsu instructor siya kaya may mga nagsabi na puwedeng-puwede siyang mapanood sa Ang Probinsyano, ang prime-time action drama series ni Coco Martin sa ABS-CBN. 

"Sana nga," reaksiyon ni Ivan sa narinig ng komento dahil pangarap din niyang maging bahagi ng Ang Probinsyano.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN