Pag-aresto sa Kapuso actor na si Migo Adecer, kaagad ibinalita ng GMA News

IMAGE Noel Orsal


Inilabas ng GMA Artist Center ngayong Miyerkules ng hapon, March 27, ang official statement tungkol sa mga kasong kinasasangkutan ni Migo Adecer.

"GMA Artist Center is closely monitoring the incident involving Migo Adecer. He is willing to assist the two people injured and his lawyer is now coordinating with them.

"We defer to Migo's lawyer to address all legal matters regarding this incident," pahayag ng talent arm ng GMA Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang MMDA employees na sina Rogelio Formelos Castillano at Michelle Gallova Papin ang dalawang taong nasaktan nang masanggi ng kotse ni Migo ang motorsiklo na kanilang sinasakyan sa insidente na nangyari sa Barangay Poblacion, Makati City, kagabi, March 26,.

Nagalusan sa braso si Papin samantalang nabalian ng braso si Castillano, na sakay ng motorsiklo nang masagi ng sasakyan ni Migo.

Kapwa isinugod sa ospital ang mga biktima.

Incidentally, walang katotohanan ang mga haka-hakang hindi agad ibinalita sa GMA-7 ang kaso ng Kapuso actor dahil may report agad kagabi ang Saksi.

Kaninang umaga, nagbigay ng update ang Unang Hirit, ang early morning show ng Kapuso Network sa pamamagitan ng pagpapalabas ng panayam kay Makati City Chief of Police Rogelio Simon.

Patunay itong walang kinikilingan, walang pinoprotektaha, walang kasinungalingan, at serbisyong totoo lamang ang GMA News.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN