Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Migo Adecer, nakalabas na ng kulungan matapos magpiyansa

by Jojo Gabinete
Mar 27, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Masuwerte pa rin si Migo Adecer dahil nagpasya sina Rogelio Castillano at Michelle Papin na huwag nang magsampa ng kaso laban sa kanya.

Sina Castillano at Papin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) employees na nasaktan at nasugatan nang masagi ng kotseng minamaneho ni Migo ang motorsiklong sinasakyan nila sa insidente na nangyari sa Barangay Poblacion, Makati City, kagabi, March 26.

Dahil hindi na magdedemanda sina Castillano at Papin, ang mga kaso na lang na reckless imprudence resulting to serious physical injuries and damage to government property at disobedience to person in authority, na isinampa ng Makati City Police, ang haharapin ni Migo.

Continue reading below ↓

Nakalaya na ang 19-year-old actor ngayong Miyerkules ng gabi, March 27, pagkatapos maglagak ng piyansa.

Sinabi ni Oscar Oida ng GMA News na magsasalita sa tamang panahon si Migo.

Sa pamamagitan ng kanyang legal counsel na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, ipinapaabot ng Sahaya actor ang paghingi ng paumanhin sa Makati City Police at sa MMDA employees na nasagi ng sasakyan niya.

"There was no really intent on his part to resist or disobey any persons in authority.

"Kung unruly yung dating sa video, that was because he was really scared and he was confused nung na-intercept siya, kasi hindi nga niya alam na may nasagi pala siya.

"He told me naman, vividly, sinabi niya sa akin na tutulong siya sa medical expenses ng mga ito.

"And because there’s a physical impossibility for him to do that now, as his representative, ako na yung kakausap sa kanila," pahayag ni Atty. Abraham-Garduque.

Continue reading below ↓

ISANDAANG PISO

Samantala, nasaksihan namin kagabi, March 26, 9:22 P.M., sa Makati City, ang panghuhuli ng apat na Makati City traffic enforcers sa tatlong drivers na pinaratangan nilang lumabag sa traffic rules sa J.P. Rizal Street, paakyat sa northbound ng Guadalupe Bridge.

Kabilang sa mga nahuli ang driver ng Grab car na aming sinakyan na pinara ng mga traffic enforcer sa harap ng Binay Park sa Guadalupe, Makati City.

May video kaming makapagpapatunay na nag-abot na lang ng P100 sa traffic enforcers ang Grab driver para hindi ito mabigyan ng violation ticket.

"Dela Cruz" ang pangalang nakalagay sa name plate ng isa sa mga traffic enforcer, na nagpanggap na istrikto pero ipinasingit sa lisensiya ng driver ang kinotong na P100 "pang-meryenda" nila ng kanyang mga kasama na nakatambay sa Binay Park.

Kahit sinong matinong tao ang makakakita sa mga ganoong klase ng eksena, makapagsasalitang sumakit sana ang mga tiyan ng Makati City traffic enforcers na isang daang piso lamang ang katapat ng integridad at pagkatao.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results